BLOG



Wednesday, December 22, 2004
SI WALANG PUSO NI NOODLE



tagal naman walang update.. dito na lang ako magku-kwento ha? mashado nang madrama yung blog ko eh!

SIMBANG GABI kahapon. naisip ko, magsusulat ako dito pagpasok kong skul [yes, may pasok pa din kame, pero hanggang ngaun na lang..] kasi meron sana ko masayang kwento.. kaso, bago pa lumiwanag eh nasira na ang araw ko.

kinausap ako ni walang puso [tungkol sa pang-aapi nia?] alam ko na kung bakit pero hindi ko pa rin maintindihan.

at meron ako na-realize!

may sinulat kase ko dun sa blog ko tungkol sa simbang gabi. ang sabi ko dun...

    "gusto ko mag-simbang gabi. kumain ng lugaw [may itlog saka tokwa] maramdaman ang malamig na ambiance ng madaling araw. kasama high school friends."

uhm... pano ba yun.

ang naisip ko ay wala naman may gustong makasama ako kundi sha lang. wala naman naghahanap sakin gaya ng paghahanap nia sakin. wala akong kwenta sa ibang tao pero para sa kanya ako na ang buhay. kahit pano pala masuwerte ako dail may isang tao na nagpapahalaga sakin ng sobra.

kaso naman... napakasama ng ugali niya! mabait lang sha sakin pag malambing ako. ang problema eh hindi naman ako normal na malambing [pag may kasalanan lang..] kaya kadalasan eh high blood sha saken. ang mas malaking problema eh grabe sha kung magalit. antinde!

ewan ko pero kahit dati pa hindi talaga kami magkasundo. para lang walang away kailangan magsakripisyo yung isa. hindi naman madali yun.

heinaku... pag praning/galit/high blood sha saken, tinatakot niya ko. pine-presssure. bina-black mail. pero kapag good mood [minsan lang sha ganun..] inuuto niya ko. eh... madali lang naman kase ko utuin. hehe.. pag daw nag-simbang gabi ako ililibre niya ko ng lugaw. pag nagkita kami ng hapon kakain kami ng turon. at may regalo daw sha sakin ngaung pasko. sa 24 nia ibibigay. pero pag hindi daw niya ko kasama sa araw na yun, hindi na nia ibibigay. hmmm.. ni hindi ko nga naiisip na bigyan din sha ng regalo.

masama pa rin ang loob ko. sana may sumundo sa amin ni inay.. para wala kami dito sa pasko.





 


Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry